top of page
  • Facebook
  • Instagram

Closing the gaps

  • Writer: FON18 Dellan Dellan Jabez A. Ila
    FON18 Dellan Dellan Jabez A. Ila
  • Oct 23, 2024
  • 2 min read

Updated: Oct 24, 2024


Sa bansa natin, maraming mga fresh graduates ang nahihirapan sa mga pinapasukan nilang bagong trabaho dahil sa kanilang dating paaralan ay hindi akma o kulang-kulang ang kanilang curriculum na pwede nilang gamitin sa kanilang trabaho. Bakit nga ba tayo nagkakaroon ng ganito, mga ka Atenista. Ano nga ba ang curriculum misalignment?


Curricular alignment is the process of aligning a program’s curriculum with its goals. It

is a part of a high-level backwards design approach to the design of an entire

curriculum. In backwards design, one starts by defining the learning goals. Sa madaling salita, ang curriculum alignment ay ang pagsusuri sa bahagi ng kurikulum upang masiguro na nasusunod ang layunin nito.


Ang isang posibleng dahilan nito ay ang pagkakaroon ng kahirapan sa ating bansa. Maraming kabataan ang walang masyadong pera upang makapag-aral nang may kalidad at nang may maayos na curriculum na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Nahihirapan ang karamihan sa ating kabataan dahil kung wala silang badyet ay wala silang ibang pagpipilian kung hindi ang mag aral sa pampublikong paaralan na kung saan marami ang populasyon mga estudyante kaya nawawala ang kalidad ng edukasyon.


Ano sa tingin niyo ang pwedeng gawin ng ating gobyerno para tayo ay umasenso?

Dapat maglaan ang ating pamahalaan at pagtuunan pa ng pansin ang pagpapabuti sa kalidad ng ating edukasyon. Sa paraang ito ay mapapabuti hindi lang ang ating kinabukasan, pati rin ang kinabukasan ng mga kabataan sa hinaharap. Ang edukasyon na may mataas na kalidad ay makakatulong nang malaki, hindi lamang sa mga mamamayan ng bansa, kundi ito ay magkakaroon din ng magandang dulot sa ekonomiya ng bansa at mapagyayaman pa lalo ang ating bansa. Kayo ba mga kapwa ko Atenista, ano sa palagay niyo ang makakatulong upang ang curricular alignment sa bansa ay magkaroon na ng makabuluhang pagbabago?

 
 
 

Comments


Maaari Logo.png

MAAARI

Foster growth, bridge the gap and make the change. 

Ang inakalang imposible ay maaari. 

bottom of page